Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang Chinese na pasahero ang higit dalawang milyong pisong halaga ng Iphone 7 plus sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa ulat, ang tsinong si Wen Congkai ay bumaba mula sa Xiamen airlines flight 8667.
Nang dumaan sa x-ray examination ang bagahe ng dayuhan ay dito nadiskubre ang 61 units ng Iphone.
Dahil walang maipakita na import documents at permit sa mga cellphone, nilabag ng tsino ang BOC Modernization and Tariff Act at isang memorandum circular ng National Telecommunications Commission (NTC).
Pansamantalang inilagak sa in-bond room ng NAIA ang mga nakumpiskang gadget habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Facebook Comments