HIGIT DALAWANG MILYONG RESIDENTE SA PANGASINAN, NAKAKUHA NA NG KANILANG PHILSYS NATIONAL ID

Umabot na sa 2,772,602 residente sa Pangasinan ang nakakuha ng kanilang National ID sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys).

Katumbas ito ng 87.65% ng kabuuang 3,163,190 populasyon ng lalawigan.

Ayon kay PSA–RSSO I Registration Officer III Christopher Flores, nakatutulong nang malaki ang PhilSys sa pagpapabilis ng mga transaksyon sa iba’t ibang ahensya at institusyon dahil mas madali at mas maaasahan ang pagkilala sa bawat indibidwal gamit ang National ID.

Sa buong Region 1 naman, nasa 4.69 milyon na ang rehistradong indibidwal, o katumbas ng 88.53% ng populasyon.

Hinihikayat ng Philippine Statistics Authority ang mga hindi pa nakapagparehistro na pumunta sa pinakamalapit na PhilSys Registration Center upang makuha ang kanilang National ID.

Facebook Comments