Higit dalawang pisong oil price rollback, ipapatupad bukas!

May panibagong big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Sa inilabas na abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., bababa ng 2.40 pesos ang kada litro ng gasoline habang ₱2.65 naman sa kada litro ng diesel at ₱2.70 sa kada litro ng kerosene.

Magpapatupad din ng katulad ng bawas presyo ang Cleanfuel.


Epektibo ang higit dalawang pisong bawas-presyo, simula bukas, alas-6 ng umaga para sa Pilipinas Shell habang alas-8:01 ng umaga naman para sa Cleanfuel.

Inaasahang maglalabas din ngayong araw ang iba pang oil companies ng kaparehong anunsyo.

Ito na ang panglimang sunod na linggo na nagpatupad ng bawas presyo sa produktong petrolyo.

Sa interview ng RMN Manila, itinurong dahilan sa pagbaba ng presyo ng langis ni Dept. of Energy- Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad ang paghigpit ng quarantine restrictions sa Europa, Estados Unidos at China.

Facebook Comments