Higit dalawang pisong rollback sa gasolina, nakaamba sa susunod na linggo; diesel at kerosene, may tapyas presyo rin!

Asahan na ang malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa interview ng RMN Manila kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Dir. Rodela Romero, base sa apat na araw nilang monitoring sa international oil market, posibleng magkakaroon ng rollback ang gasoline ng mga ₱2.00 hanggang ₱2.25 kada litro.

Nasa ₱0.50 hanggang ₱0.85 naman ang bawas presyo sa kada litro ng diesel at ₱0.90 hanggang ₱1 sa kerosene.


Ayon kay Romero, ang tapyas sa presyo ay bunsod ng pagtaas ng imbentaryo ng langis ng Amerika, paglakas ng palitan ng dolyar at panibagong ceasefire sa Gaza.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may rollback sa presyo ng gasolina at apat na sunod na linggo sa diesel at kerosene.

Facebook Comments