Higit dalawang porsyentong dagdag sa PhilHealth contributions, epektibo na

Epektibo na ngayong taon ang dagdag singil sa premium contributions sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sa ilalim nito, tumaas sa 2.75% ang kontribusyon ng mga miyembro.

Ibig sabihin, ang dating 275 Pesos kada buwan ay nasa 300 Pesos na.


Sakop nito ang mga sumasahod ng 10,000 kada buwan.

Una nang sinabi ng PhilHealth na tataas ang kanilang kontribusyon dahil sa pagpapatupad ng Universal Healthcare Law.

Facebook Comments