HIGIT ISANDAANG MGA PAMILYA SA MGA PROBINSYA NG LA UNION AT PANGASINAN, INILIKAS DAHIL SA BAGYONG EGAY; TULONG MULA SA DSWD R1, NAIPAMIGAY NA

Sa lakas ng epekto ng Bagyong Egay, nakapagtala ang dalawang lalawigan sa Rehiyon Uno ng higit isang daang pamilya ang inilikas matapos manalasa ang bagyo.
Base sa datos na inilabas ni Pangasinan PDRRMO Officer Rhodyn Luchinvar Oro, nakapagtala ang lalawigan ng Pangasinan ng nasa 46 na pamilya o katumbas ng 159 na indibidwal ang mga nasa evacuation centers sa lalawigan at pinili ng ilang pamilya na makasama ang kanilang mga kaanak.
Ayon naman sa datos na ibinahagi ni La Union Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Aureliano Rulloda III, na nasa siyamnapu’t siyam (99) na pamilya ang apektado, o katumbas ng 246 na indibidwal at mula ang mga ito sa 16 na barangay sa mga bayan ng Luna, Bangar, Sto. mga bayan ng Tomas at Lungsod ng San Fernando.

Matatandaan na itinaas ang red alert status sa La Union, Pangasinan, at sa iba pang lalawigan ng Ilocos Region mula noong Hulyo 24 dahil sa inasahang lakas ng bagyo.
Samantala ang lahat ng pamilya ay agad na hinatiran ng tulong mula sa mga lokal na pamahalaan at nakaantabay rin ang DSWD Region 1 para sa augmentation ng mga lokalidad na ibibigay sa kanilang mga nasasakupan at upang bantayan kung sapat ang food at non-food items relief assistance na handang ibigay sa mga bayan.
Ayon sa datos ng DSWD R1, nasa 88, 020 na family food packs, 29,390 na mga non-food items at 1, 451 na mga bottled water ang naka-standby sa mga bodega ng ahensya sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments