HIGIT ISANG BILYONG PISO, INILAAN NA PONDO PARA SA TESDA REGION 1

Mahigit isang bilyong piso ang pondong nakalaan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region, ayon sa ahensya.

Nasiguro ng tanggapan ang P1.023B para magpatuloy ang mga programang hatid nito para sa mga benepisyaryo.

Alinsunod dito, mayroong regionwide 48, 327 slots na bukas para sa mga interesadong residente at nakatakdang maging benepisyaryo ng mga programa.

Pinakamataas sa Pangasinan na nasa 25, 025 slots, Ilocos Norte na may 12, 573 slots, La Union – 5, 793 habang Ilocos Sur na may 4, 936 slots.

Tiniyak ng TESDA Region I na patuloy na mapapakinabangan ng mga residente sa rehiyon ang mga programang ibinibigay ng tanggapan upang matulungan ang mga ito pagdating sa pag-aaral maging sa employment. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments