Nabakunahan na ang nasa higit isangdaan alagang aso at pusa sa isinagawang anti-vaccination activity sa Barangay Palaris sa Asingan.
Mula sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO), nabenipisyuhan ng aktibidad ang nasa 119 na aso at pusa.
Isa ito sa patuloy na pagpapaigting sa pagsulong na mapigilan ang paglaganap ng rabies.
Layon rin nito na mapalawak pa ang kaalaman ng mga pet owners ang ukol sa responsableng pangangalaga ng kanilang mga alagang hayop.
Samantala, patuloy ang pagsasagawa ng anti-rabies activity sa iba’t-ibang lugar sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments