HIGIT ISANG DAANG ALAGANG HAYOP SA INFANTA, NABAKUNAHAN SA ISINAGAWANG ANTI-RABIES VACCINATION

Nagsagawa ang Municipal Agriculture Office ng Infanta ng Anti-Rabies Vaccination services para sa mga alagang aso at puso ng mga residente sa kanilang bayan.
Sa Barangay Bamban naman ngayon nagsagawa ang grupo ng pagbabakuna ng mga into-rabies vaccine kung saan nakapagbakuna sila ng isangdaan at apatnaput dalawang alagang hayop, 142 na aso at isang pusa.
Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay alinsunod sa Republic Act of No. 9482, o mas kilala bilang “The Anti-Rabies Act of 2007,” kung saan nakasaad rito na ang lahat ng mga alagang hayop sa paligid ay dapat na mabakunahan.

Ang pagbabakuna sa mga alagang hayop gaya ng aso at pusa ay mahalagang maisagawa para maprotektahan sila mula sa mga sakit ng mga kalapit na wildlife na maaaring nakakahawa at mahinto rin ang potensyal na maihatid at maipasa ito sa kanilang mga amo at mga pamilya. |ifmnews
Facebook Comments