Pumalo na sa 133 ang naitalang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang nitong 26 ng Hulyo ngayong taon.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, tagapagsalita ng DOH-CHD 1, mas mataas umano ito ng 177.1% sa bilang na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Aniya, dumarami ang kaso ng leptospirosis tuwing tag-ulan at kung nararanasan ang pagbabaha.
Samantala, 18 naman ang nasawi dahil sa sakit kung saan lubos na naapektuhan ang mga lalaking nasa edad 25 hanggang 29.
Sa loob naman ng isang linggo noong 20-26 ng Hulyo, 25 ang naitalang kaso nito. Posibleng dahil sa mga nagdaang sama ng panahon.
Kaya naman lubos ang pagpapaalala ng Health Authorities sa pag-iingat at pag-iwas sa sakit.
Sakaling maexpose sa baha at makaranas ng sintomas ng sakit, agarang tumungo sa ospital para sa lunas.
Sa buong bansa, 5,285 na kaso na ang kaso ng leptospirosis kung saan ilang ospital sa Maynila ang punuan dahil dito.
Ngunit sa huling ulat, manageable na ang sitwasyon sa nasabing rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









