Mas pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Bani ang isang kampanyang makakabigay ng sapat at wastong kaalaman ukol sa family planning at wastong pag-aalaga sa mga kababaihang buntis sa bayan.
Sa isinagawang programa ng LGU, nasa 126 na kababaihan kung saan nasa 45 years old pababa ang masuwerteng nabibiyayaan ng mga paraphernalias gaya na lamang ng mga pills, condoms at injectables ukol sa tamang pagpaplano at pagbuo ng pamilya.
Bukod sa mga nabanggit na bilang, nabigyan din ng serbisyo ang labing-apat na kababaihan kung saan nalagyan ang maselan na bahagi ng kanilang katawan ng Progestin only Subdermal Implant dahil ayaw pa umano ng mga ito ang mabuntis.
Nasa tatlumpung kababaihang buntis naman ang nabigyan ng kits para sa kanilang pagdadalang-tao.
Samantala, ang programang ito ay dahil sa kagustuhan ng LGU na magkaroon ng wasto at sapat na kaalaman ang mga kababaihan ukol sa family planning at sa pagbuo ng kanilang pamilya tungo sa mas malusog na pamayanan.
Isinagawa ang naturang programa katuwang ang Municipal Health Office at Family Planning Organization of the Philippines – Pangasinan Chapter. |ifmnews
Facebook Comments