HIGIT ISANG DAANG MILYONG HALAGA NG IBAT IBANG FARM INTERVENTIONS MULA SA DA, IPINAGKALOOB SA MGA MAGSASAKA NG PANGASINAN

Ipinagkakaloob ng Department of Agriculture RFO 1 ang mga farm interventions sa mga magsasaka ng ikaanim na distrito ng Pangasinan na nagkakahalaga ng higit isang daang milyong piso o P193,593,803 sa ginanap na awarding ceremonies kamakailan ng DA-Pangasinan Research and Experiment Center (DA-PREC).
May kabuuang 32,850 bags ng hybrid rice seeds ang naipamahagi sa sampung local government units ng 6th district sa pamamagitan ng tanggapan ng Municipal Agriculturist.
Ang munisipalidad ng Balungao ang may pinakamaraming alokasyon kung saan nakatanggap sila ng 10,200 bags na handang ipamahagi sa mga magsasaka ng palay sa lugar.

Bukod pa riyan ay siyam na pump at engine sets at isang unit hand tractor ang ipinamahagi din sa mga kwalipikadong samahan ng mga magsasaka tulad ng Sanlobaraysan Irrigators Association, Inc., New Sto. Domingo Irrigators Association, Inc., Baro nga Namnama ti Mannalon Irrigators Association, Inc. at Capala Kuloto Irrigators Association, Inc.
Ang mga interventions na ito mula sa Rice Banner Program ng DA ay nagbahagi ng pinakamalaking halaga na may kabuuang P190,300,092 halaga ng hybrid rice seeds, pump at engine sets at hand tractors. |ifmnews
Facebook Comments