HIGIT ISANG LIBONG BARANGAY SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, DRUG CLEARED NA AYON SA PDEA PANGASINAN

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan na nasa higit isang libong mga barangay na sa lalawigan ng Pangasinan ang nasa ilalim ng Drug cleared status.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PDEA Provincial Director IA V Rechie Camacho, nasa kabuuang 1, 123 na mga barangays sa lalawigan ng Pangasinan ang drug-cleared status na o katumbas ng nasa nobenta porsyento (90%).
Ayon sa kanya, sa dalawampung bayan at lungsod sa Pangasinan na apektado ng droga ngunit apat dito ay napasama na rin sa drug-cleared at ngayon may natitira pang 16 na bayan ang apektado.

Aniya, ito ay dahil sa tuloy-tuloy na pagsusumite ng mga barangay sa lalawigan na nagnanais ma-assess ng PDEA at pang mabigyan ng patunay o sertipikasyon na ang lugar na ito ay isa nang drug-cleared.
Samantala, tatlong lugar pa sa lalawigan ang itinuturing na most drug affected, gaya ng Dagupan City, San Carlos City at bayan ng Binmaley.
Panawagan nito sa publiko na sana raw ay magtulong-tulong ang bawat mga residente na alisin na ang droga sa buhay dahil makakasama lang ito sa kalusugan at kung naalis na ito magkakaroon naman ng ligtas at tahimik na pamayanan kontra droga. |ifmnews
Facebook Comments