HIGIT ISANG LIBONG BATANG DAYCARE SA INFANTA, NAKATAKDANG MABIGYAN NG MASUSUSTANSYANG PAGKAIN MULA SA DSWD

Sa patuloy na kampanya ng pamahalaan na makatulong sa mga bata upang mapabuti ang kalusugan ng mga ito ay nakatakdang mabigyan ang mga batang benipisyaryo ng foodstuff sa bayan ng Infanta.
Kabuuang 1,060 na daycare students mula sa labing pitong Child Development Centers sa lugar ng Infanta ang nakatakdang mabibigyan ng mga masusustansyang pagkain na mula sa DSWD.
Ang nasabing pamimigay ng pagkain ay sa ilalim ng Supplementary Feeding Program (SFP) ng ahensya upang magbigay ng dagdag suporta para sa feeding program ng mga bata sa lahat ng mga CDC sa bansa upang tugunan ang 1/3 na pangangailangan ng bata o recommended energy and nutrient intake (RENI).

Samantala, ang mga foodstuffs ay naglalaman ng labin-limang food items tulad ng macaroni pasta, gatas, itlog, bigas at iba pang masustansyang pagkaing napatunayang makatutulong sa development ng bawat bata.
Inaasahang maibibigay ang mga ito sa mga Day Care Children ng kani-kanilang barangay ngayong linggo. | ifmnews
Facebook Comments