HIGIT ISANG LIBONG BSK ASPIRANTS SA BAYAN NG MANGALDAN, SASAILALIM SA CANDIDATE BRIEFING

Sasailalim ang nasa isang libo, limang daan at animnapu’t walo o 1568 na mga Barangay at SK Aspirants sa bayan ng Mangaldan sa limang araw na gaganapin Candidate Briefing bilang paghahanda sa Barangay and SK Elections sa darating na buwan ng Oktubre.
Nauna nang sumailalim ang ang kumakandito sa nasabing briefing mula sa mga barangay ng Alitaya, Amansabina, Anolid, Banaoang, Bantayan and Bari.
Layon ng nasabing aktibidad na talakayin ang mga alituntuning nakapaloob lalong lalo na sa Omnibus Election Code of the Philippines at magkaroon ng maayos at payapang botohan at eleksyon.

Katuwang pa ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan Mangaldan Police Station and Bureau of Internal Revenue (BIR) upang magbahagi ng kanilang magiging gampanin at pagpapaalala sa pagdaraos ng naumpisahan ng Calendar of Activities ng BSK Election 2023.
Samantala, mayroon na ring naitakdang schedule para sa mga BSK Aspirants ng natitira pang mga barangay sa bayan ng Mangaldan. |ifmnews
Facebook Comments