Inihayag ngayon ng Police Regional Office 1 o PRO-1 ang kanilang naitalang higit isang libong vehicular traffic incidents o road crash incidents mula Enero 1 hanggang Mayo 9 ngayong taon.
Sa isang virtual program, sinabi ni Col. Christopher Acop, PRO-1 Acting Deputy Regional Director for Operation, nakapagtala ang kanilang hanay ng kabuuang 1,521 na mga nasabing insidente sa rehiyon uno kung saan naitala ng lalawigan ng Pangasinan ang pinakamataas na bilang na umabot sa 984 na aksidente sa kalsada; La Union na may 303 na aksidente; Ilocos Sur ay nasa 159; at Ilocos Norte 75 lamang.
Pinakamarami sa mga bilang na nabanggit ang motorsiklong nadidisgrasya o mga nabangga sa kalsada na sinundan ng mga four-wheel vehicles, tricycles, at six-wheelers pataas. Ang mga aksidente sa kalsada sa mga lalaking driver ay mas mataas kaysa sa mga babaeng driver ani pa ng opsiyal.
Aniya, ang average na bilang ng mga aksidente sa kalsada ay 69 mula Enero hanggang Abril.
Gayunpaman, ang bilang ay tumaas sa 83 sa unang linggo ng Mayo.
Upang agad na makapag-responde o makapagbigay ng babala sa mga motorista ay nagtayo ang kanilang hanay ng mas maraming mga post ng pulisya at nag-deploy ng mga mobile patrol ng pulisya na patuloy na nagpapatrolya sa kalye at kalsada 24-oras upang maiwasan ang mga insidente ng sasakyan dahil sa visibility ng pulisya, ang mga motorista ay sumusunod sa mga patakaran sa trapiko.
Samantala, nakapagtala noong nakaraang taon ang PRO-1 ng nasa 3,257 na insidente ng aksidente sa kalsada sa rehiyon.
Paalala ngayon ng opisyal na maging maingat sa lahat ng pagkakataon upang makaiwas sa mga disgrasya sa kalsada. |ifmnews
Facebook Comments