HIGIT ISANG LIBONG DOSES NG BAKUNA KONTRA COVID-19, NAIBAKUNA SA MGA FRONTLINERS NG SAN CARLOS CITY

Umakyat na sa 1, 171 na ang bilang ng naibakuna sa 1st at 2nd dose combined sa mga indibidwal na kabilang sa priority list sa lungsod ng San Carlos.

Sa nakalipas na mga araw, nagsagawa ng pagbabakuna sa CHO Vaccine Site 1 na matatagpuan sa Arenas-Resuello Complex para sa ikalawang dose ng mga indibidwal na unang nabakunahan noong nakaraang buwan.

Sinimulan din ang pagbabakuna sa mga iba pang indibidwal na kwalipikadong mabakunahan. Kabilang dito ang mga doktor, nurses, dentista at iba pang mga medical personnel sa mga stand-alone facilities, uniformed personnels, mga BHWs at mga kabilang sa Covid response team.


Naging matagumpay din ang pagbabakuna sa ilang mga BJMP Personnel na kabilang naman sa DOH Priority A1.6.

Hinati ng BJMP ang kanilang grupo sa dalawa at nakatakdang makakuha ang susunod na grupo ng BJMP personnel sa susunod na alokasyon ng DOH ng bakuna.

Samantala, naghatid naman ng mga Covid Vaccine Pre-Registration Forms ang tanggapan upang masagutan ito ng mga empleyado ng mga mall at grocery na nais magpabakuna at para maisama sa ginagawang masterlisting ng Lokal na Pamahalaan.

Unti-unti ring iikot ang Lokal na Pamahalaan sa iba’t ibang sektor upang mamasterlist ang lahat ng nais na magpabakuna.

Nakikipag-ugnayan din ang Lokal na Pamahalaan sa mga malls upang makapagpatayo ng Vaccine Pre-Registration Sites sa mga malls bilang pagpapaigting sa programa at upang mas maging madali sa tao ang pag-reregister upang mabakunahan.

Facebook Comments