Nasa higit 1,300 na indibidwal ang nakilahok sa isinagawang Centennial Fun Run sa bahagi ng De Venecia road, Dagupan City sa pangunguna ng Region I Medical Center (R1MC) bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang ika-100 anibersaryo.
Katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office, matagumpay na naisagawa ang aktibidad kung saan ang mga nakilahok ay binubuo ng mga empleyado mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng PNP, BFP, Philippine Coastguard, mga empleyado ng naturang ospital at iba pa.
Binigyan naman ng parangal ang mga nanguna sa 3k at 5k run at special awards sa mga couple na sumali sa aktibidad maging sa pinakabata at pinakamatandang nakilahok.
Naglalayon ang naturang aktibidad na maihayag sa publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan at pangangatawan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨








