HIGIT ISANG LIBONG ISABELEÑO, NABIGYAN NG LIBRENG BIGAS

Cauayan City – Tatlong bayan mula sa lalawigan ng Isabela ang muling nabenepisyuhan ng libreng bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Kabilang sa mga napamahagian ng buwanang ayudang bigas ay ang bayan ng San Manuel, San Agustin, at Sto. Tomas, Isabela.

Umabot sa 1,773 na indibidwal na kabilang sa sektor ng barangay frontliners, PWD’s, mangingisda, at miyembro ng TODA ang nakatanggap ng naturang ayuda.


Hindi pa dito nagtatapos ang pagpapaabot ng tulong ng Provincial Government of Isabela dahil magpapatuloy pa sa mga susunod na araw ang pamamahagi ng bigas sa iba pang benipisyaryo.

Facebook Comments