Nasa higit isang libo o kabuuang bilang na 1,110 na mga residente sa bayan ng Sta. Barbara ang naging benepisyaryo ng programa ng Department of Labor and Employment o DOLE na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o ang TUPAD.
Nakatanggap ang mga nasabing benepisyaryo ng apat na libong piso bawat isa kapalit ng kanilang pagtatrabaho sa clean up drive na ginanap ng sampung araw sa kanilang mga barangay.
Naibigay naman ang payout sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara sa katuwang na ahensya ng Public Employment Service Office o PESO at tanggapan ng ikatlong distrito ng Pangasinan.
Samantala, ang programang TUPAD ay isang community-based o tulong na nag-aalok ng pansamantalang trabaho para sa mga manggagawa mula sa impormal na sektor na nawalan ng tirahan at apektado ng pandemya ng COVID-19.

Facebook Comments