Pumalo na sa higit isang libong lokal na kandidato sa Rehiyon Uno ang pinadalhan ng Issue of Notice ng Commission on Elections Region 1 matapos lumabag sa regulasyon ng ahensya na may kaugnayan sa campaign posters.
Sa isinagawang paglilibot ng COMELEC, may ilan pa rin umanong pasaway na nagkakabit sa mga puno o poste na mahigpit na ipinagbabawal.
Dahil dito, kung matanggap ng mga kandidato ang sulat, sila ay mayroong 72 oras para kusang baklasin.
Ayon naman kay COMELEC Region 1 Director Reddy Balarbar, posible itong makaapekto sa mga kandidato, kung saan ay sasailalim sa summary removal o di nama’y pagpipila ng kaso.
Umaasa naman ang ilang botante na magpakita ng magandang ehemplo ang mga kandidato upang hindi pamarisan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments