HIGIT ISANG LIBONG MAG-AARAL SA MANGALDAN NHS NAGTAPOS SA SHS; VP AT DEPED SECRETARY NAGING PANAUHIN PANDANGAL

Naging matagumpay ang pagbisita ng ikalawang mataas na opisyal ng Pilipinas na si VP at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa ginanap na pagtatapos ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Mangaldan National High School.
Dito, nagtapos ang kabuuang 1, 092 mag-aaral na binubuo ng 538 na lalaki at 554 naman na babaeng SHS kasama ang kanilang mga proud parents maging ng kaguruan sa paaralan.
Alas 5:10 ng hapon kahapon nang eksaktong dumating si VP Duterte sa nasabing paaralan kung saan ayon sa kanyang naging talumpati, binigyang diin nito ang kahalagahan ng suporta ng mga magulang ng mga nagsipagtapos para sa lahat ng sakripisyo ng mga ito.

Bahagi ng kanyang talumpati sa kasagsagan ng bahagyang pagbuhos ng ulan ay gaya na lamang ng pagbibigay at pag-aabot ng payong ng kanilang mga magulang ay kahit anong mangyari ay gagawin ang lahat para lang sa kanila.
Tumanggap naman ang mga SHS students ng tig-isang libong piso bilang regalo ng opisyal sa mga nagsipagtapos maging ang kaguruan at tatanggap din ng regalo.
Samantala, bago ito tumungo sa nasabing paaralan, nauna nang binisita ni Duterte ang Tococ Elementary School sa bayan ng San Fabian kung saan 54 mga mag-aaral ang nagtapos sa elementarya at tumanggap ang mga ito ng tig-isang cellphones.
Sa huling mga sandal ng opisyal, nagkaroon muna ito ng pagkakataon na makipag-selfie sa mga grumaduate na mag-aaral. |ifmnews
Facebook Comments