Handang handa na ang mga student athletes dito Mangaldan National High School para sa Division Sports Tournament ng DepEd Pangasinan II Division na nagsimula nitong Biyernes, November 07, 2025.
Sa opening ceremony ay masiglang lumahok sa parada ang bawat delegates dala ang matamis na ngiti at ang pangako ng katatagan para maiuwi ang panalo.
Bagamat naantala ang pagsasagawa nito mula sa orihinal na petsa noong nakaraang Oktubre ay kitang kita pa rin ang kahandaan at kagalakan ng mga manlalaro para sa sports event na ito.
Samantala, pinaghandaan rin ng Mangaldan National High School ang larangan ng track and field at isinaayos ang kanilang Oval na pormal na pinasinayaan nito lamang Oktubre.
Ayon sa Punong Guro ng Mangaldan High na si sir Eduardo Castillo, (Principal IV) humigit kumulang isang libong mga estudyante ang kalahok na naturang sport event.
Magtatapos ang Sports Tournament bukas, November 9, 2025 at ang bawat koponan na mamanalo sa Division Meet na ito ang siyang lalaban para sa Region 1 Athletic Association (R1AA) ma gaganapin sa Candon City, Ilocos Sur sa susunod na taon.









