Matagumpay na naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Rosales ang tulong na fertilizers para sa mga magsasaka sa bayan.
Umabot sa kabuuang 1, 012 na mga magsasaka sa bayan ang nabigyan ng fertilizer na ammonium sulfur para sa kanilang pagtatanim upang mapataas pa ang produksyon ng kanilang mga itinatanim dahilan kung bakit ito inilunsad bago matapos ang taon.
Mahalaga umano mga magsasaka, dahil sila ang pinanggagalingan ng pangunahing pinagkukunan ng pagkain na inihahain sa mesa ng bawat pamilya.
Sa pagbaba ng ekonomiya at pagtaas ng mga bilihin na nararamdaman ngayon, isa umano sila sa labis na naapektuhan kung kaya’t ang ganitong suporta ay may ginhawang hatid para sa kanila.
Isa sa mithiin ng LGU na matulungan ang hanapbuhay ng mga magsasaka sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments