Nakatanggap ang higit isang libo o kabuuang bilang na 1, 418 na mga magsasaka mula sa First District ng Pangasinan o mula sa mga bayan ng Burgos, Infanta, Dasol, at Sual, at lungsod ng Alaminos.
Nasa tig-limang libong piso o five thousand pesos ang halaga ng tulong pinansyal na natanggap nila mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng programang Rice Farmers Financial Assistance o RFFA sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Alaminos at tanggapan ng kongresista sa unang distrito.
Layon nitong masuportahan partikular ang mga rice farmers sa lalawigan sa kanilang mga kinakailangang gastusin sa pagsasaka lalo na ngayon na nagmamahal ang mga farm inputs at upang makilala rin ang kanilang sakripisyo upang makapag-ani at makatulong sa sektor ng agrikultura at ekonomiya ng Pangasinan.
Samantala, inihahanda na rin ng katuwang na ahensya sa hanay ng agrikultura ang ilan sa mga hakbanging kakailanganin bilang paghahanda sa posibleng mga epekto ng El Nino Phenomenon sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments