Nasa higit isang libo o 1,500 na mga mangrove seedlings ang naitanim ng Alaminos City Water District sa Mangrove Propagation & Information Center sa Barangay Bued sa naturang lungsod bilang bahagi ng World Water day 2023 at 47th Anniversary nito.
Katuwang nila sa aktibidad na ito ang City agriculture Office kung saan naglalayon ang pagsasagawa nito na ipakita, patuloy na suportahan, at pakikibahagi sa sustainable environmental program ng lungsod.
Ang paaralang CBRC- Alaminos at Inerangan National High School ay nakisama rin sa naturang pagtatanim ng mga mangrove seedlings.
Samantala, nagpapasalamat naman ang alkalde ng lungsod sa mga grupong patuloy na nagsasagawa ng ganitong klaseng aktibidad sa kanilang lungsod na naglalayong maprotektahan at mapangalagaan ang kapaligiran lalo na ang kanilang mga coastal resources gamit ang pagtatanim at pagpaparami ng mga bakawan. |ifmnews
Facebook Comments