Aabot sa 1,437 pamilya ang apektado ng nagdaang Bagyong Crising at Habagat sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Dahil sa patuloy na pag-ulan, umapaw ang tubig sa Marusay River, isa sa mga binabantayang ilog sa probinsya, partikular sa Barangay Talibaew, na ngayo’y umabot na sa critical level.
Dahil dito, ilan sa mga residente ay napilitang gumamit ng bangka upang makatawid palabas ng kanilang mga barangay—para makapasok sa trabaho o bumili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Ayon kay Zaldy Malit, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) ng Calasiao, naka-red alert status na ang kanilang bayan. Patuloy ang pag-iikot ng kanilang mga team upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residente.
Samantala, may ilang residente na ang inilikas dahil sa matinding pagbaha, lalo na sa mga lugar na palaging apektado kapag umaapaw ang Marusay River. | ifmnewsdagupan









