HIGIT ISANG LIBONG PERSONNEL NG PANGASINAN PPO, SUMAILALIM SA ANNUAL PHYSICAL EXAMINATION

Sumailalim sa Annual physical examination ang mahigit isang libong na mga uniformed at non-uniformed personnel ng Police Provincial Office ng Pangasinan.
Ang mga tauhan ng PNP na may edad 40 taong gulang pataas ay kinakailangang sumailalim sa standard medical examination procedures tulad ng body mass index (BMI), blood pressure check-up, electrocardiogram (ECG), chest X-ray, urinalysis, eye check-up, dugo pagsubok at dental check-up.
Ang aktibidad na ito ay para matiyak na ang lahat ng mga tauhan ng PNP ay karapat-dapat na gampanan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad.
Saad ni PCOL Jeff Fanged, gusto nilang matiyak na ang lahat ng mga tauhan ng kapulisan sa lalawigan ay nasa maayos na pisikal at mental na kondisyon habang ginagampanan ang kanilang trabaho para magampanan nila ang kanilang trabaho ng maayos.
Pinangunahan ang aktibidad na ito ng Regional Medical and Dental unit 1 kasama ang mga tauhan ng Pangasinan PMDU. | ifmnews
Facebook Comments