HIGIT ISANG LIBONG PROVINCIAL EMPLOYEES NG PANGASINAN AT ILANG AHENSYA NABAKUNAHAN KONTRA COVID19 GAMIT ANG JANSSEN VACCINE

Panibagong batch ng kawani ng gobyerno sa Pangasinan ang nabakunahan gamit ang Johnson & Johnson’s Janssen vaccines, na one-time dose vaccine.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO), aabot sa isang libo nabakunahan na kinabibilangan ng mga provincial employees mula sa iba’t ibang opisina na hindi nakasama sa mga isinagawang pagbabakuna noong mga nakaraan na batch.

Maliban sa mga Capitol employees, nabigyan din ng bakuna ang mga empleyado mula sa provincial offices ng mga national agencies kagaya ng Commission of Elections (COMELEC), Department of Education (DepEd), Philippine Coast Guard, Department of Public Works and Highways (DPWH), at iba pa.


Ang mga empleyado ay dumaan sa counselling at final consent kung saan ipinaalam sa mga ito ang kahalagahan ng bakuna at ang mga normal na nararamdaman pagkatapos mabakunahan.

Sumailalim din sa screening ang mga empleyado upang malaman ang kanilang health conditions sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang blood pressure at oxygen level.

May itinalagang post-vaccination monitoring area kung saan makapagpahinga ang mga empleyado ng 15 minutes hanggang isang oras depende sa resulta ng screening na ginawa sa mga ito.

Facebook Comments