
Nakatanggap ang senior citizens sa Dagupan City ng tulong pinansyal sa programa ng Department of Social Welfare and Development na Assistance to Individuals in Crisis Situation ang AICS.
Nasa kabuuang bilang naman na isang libo at limang daan o 1, 500 na mga senior sa lungsod ang napamahagian ng nasabing benepisyo na higit makatutulong sa kanila sa pagtugon sa ilang sa kanilang mga pangangailangan.
Naging posible naman ito sa tulong ng tanggapan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan at ang lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Samantala, ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isang social safety net na may layong matulungan at masuportahan ang mga mga indibidwal at pamilya mula sa hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, at iba pang sitwasyon ng krisis. |ifmnews
Facebook Comments









