HIGIT ISANG LIBONG SENIOR CITIZENS SA MANGALDAN, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL MULA SA AICS PROGRAMA NG DSWD

Nasa higit isang libo o 1,500 na senior citizen sa Mangaldan ang nakatanggap ng ayuda mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD.
Tig-dalawang libong piso ang natanggap ng mga matatanda sa nasabing programa kung saan sa pamamahagi ay nanguna ang DSWD katuwang naman ang tanggapan ng kongresista at lokal na pamahalaan ng Mangaldan.
Ang tulong na ito ng DSWD para sa mga senior citizens sa nasabing bayan ay isa sa kanilang paraan ng mas pagpapalakas at mas mabigyan ng prayoridad ang mga ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga ganitong klaseng programa para sa kanila.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang alkalde ng bayan sa patuloy na tulong mula sa DSWD at sa Office of the Pangasinan Fourth District Representative. |ifmnews
Facebook Comments