Natanggap na ng mga solo parents at miyembro ng LGBTQIA+ Community sa bayan ng Mangaldan at San Fabian ang kanilang payout sa ilalim ng Department of Labor and Employment o DOLE sa kanilang programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o ang TUPAD.
Kabuuang limang daan at dalawampu’t anim o 526 na mga benepisyaryo mula sa Mangaldan habang apat na raan at siyamnapu’t anim o 496 naman mula sa bayan ng San Fabian ang nakatanggap ng tulong pinansyal kapalit ang isinagawang sampung araw na community service.
Naging possible naman ang pamamahagi sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng mga nasabing bayan sa sa tanggapan ni 4th Dist. Congressman Christopher “Toff” de Venecia.
Samantala, hinikayat naman ang mga Senior Citizens sa bayan ng Mangaldan partikular ang mga makakatanggap na sunod na batch para sa programang TUPAD AT AICS na umantabay sa mga announcements upang malaman ang itatakdang petsa para rito. |ifmnews
Facebook Comments