Nasa 1,200 solo parents sa Dagupan City ang sumailalim sa evaluation at assessment sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Federated Solo Parents of Dagupan.
Hakbang ito upang sila ay maging benepisyaryo ng buwanang subsidiya na nagkakahalaga ng isang libong piso.
Nakapaloob ito sa ra 11861 o expanded solo parents welfare act of 2022 kung saan layon na mabigyan ng assistance ang mga solo parents na kumikita ng minimum o mas mababa pa.
Bukod dito ay prayoridad din sila sa mga libreng serbisyong medikal tulad ng check up, mammogram at iba pang laboratory services.
Ibinahagi rin sa kanila na sila ay kabilang rin sa iba pang programa tulad ng access sa scholarship at iba pang pang-edukasyon para sa kanilang mga anak at marami pang iba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









