HIGIT ISANG LIBONG SOLO PARENTS SA DAGUPAN CITY, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE

Nabigyan ng cash assistance ang higit isang libong mga solo parents sa lungsod ng Dagupan mula sa lokal na pamahalaan.

Nasa 1,200 ang mga solo parents ang nakatanggap ng kanilang assistance mula sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre 2024.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 4,000 pesos.

Nito lamang, nasa 168 pang mga solo parents ang nabenipisyuhan ng monthly cash assistance at tumanggap ng 1,000 pesos.

Ang pamamahagi ng cash assistance na ito ay nasa ilalim ng Republic Act 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act of 2022. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments