Wednesday, January 21, 2026

Higit isang milyong aplikante para makaboto sa BSKE, naitala ng Comelec

Umaabot na sa mahigit 1.3 milyong aplikante para sa pagpaparehistro ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sa datos na ibinahagi ng Comelec, 1,356,410 indibidwal ang nakarehistro para makaboto para sa 2026 BSKE kung saan 718,457 ay babae at 637,943 ang mga lalaki.

Mula sa kabuuang registrants 1,028,835 ang regular na botante na edad 18 pataas at 327,575 ay Sangguniang Kabataan (SK).

Ang mga bagong SK registrant ay nasa 322,402 habang ang mga aplikasyon para sa mga bagong regular na botante, ay nasa 367,859 at ang mga nag-apPLy para muling ipa-activate ang status ay nasa 13,174.

Ang Region IV-A (CALABARZON) ang pinakamataas na bilang ng mga aplikante na may 271,033, sinundan ito ng Region III (Central Luzon) na may 159,473 at National Capital Region (NCR) na may 157,421.

May kabuuang 2,186 na nagparehistro ang nag-apply sa Special Register Anywhere Program (SRAP) site sa Comelec main office sa Intramuros, Manila.

Facebook Comments