Nakatanggap na ang Commission on Elections (COMELEC) ng higit isang milyong applications para sa voters’ registration para sa May 2022 national at local elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ang poll body ay nakapagtala na ng 1,092,484 voter applicants mula January hanggang March 13.
Ang CALABARZON ang may pinakamaraming aplikante na may 172,683 kasunod ang National Capital Region (NCR) na may 149,846 at Central Luzon na may 104,669 applicants.
Sa Cordillera Region naman ang may mababang bilang ng mga aplikante (15,780), kasunod ang CARAGA (32,330) at MIMAROPA (34,868).
Ang mga kwalipikadong botante ay pwedeng magparehistro sa Office of the Election Officer mula Martes hanggang Sabado mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.