Umabot sa isang milyong pisong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng awtoridad sa bisa ng mga ikinasang operasyon sa Region I.
Nitong Agosto 19 hanggang 21, nasa P1.4M ang kabuuang halaga ng nasabat na hinihinalang shabu kung saan 149 na drug suspects ang nasakote rin.
Sa loob din ng tatlong araw, timbog ang 68 na kabilang sa most wanted persons sa rehiyon.
Hinikayat naman ng Police Regional Office 1 ang kooperasyon ng publiko upang patuloy na mapanatili ang kaayusan ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









