HIGIT 1-MILYONG PILIPINO SA ILOCOS REGION, REHISTRADO NA SA STEP 1 NG PHILSYS AYON SA PSA

Pumalo na sa mahigit isang milyong Pilipino sa Ilocos Region ang nakakumpleto na ng unang step para sa registration ng Philippine Identification System o (PhilSys).

Ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistical Services Office I (PSA – RSSO I) ay kanilang naitala ang nasa 1, 066, 867 indibidwal ang nakakumpeto at nakapag parehistro sa Step 1 ng PhilSys Registration sa rehiyon.

Ang step 1 ay ang house-to-house collection para sa demographic information ng isang low-income na household heads.


Sinimulan ng mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan ang Step 1 registration noong buwan ng Oktubre ng nakaraang taon habang ang Ilocos Norte naman ay ngayon taon.

Samantala, ang step 2 naman ay prosesong pagkuha sa biometric data gaya ng iris scan, fingerprint scan, at front-face photograph sa bawat indibidwal, at ang huling proseso naman ay ang issuance ng PhilSys Number at ang mismong ID card.

Facebook Comments