Higit isang milyong piso, natangay sa isang supermarket sa Pagadian

168

Pagadian, Philippines – Nilooban ng hindi pa kilalang mga suspek ang isang super market sa lungsod ng Pagadian kagabi at nakuha ang mahigit isang milyon na cash.

Ayon sa hindi nagpakilalang security guard, sinira ng mga magnanakaw ang likurang pinto ng Pagadian Taft Mart, kung saan din sila dumaan.


May CCTV sa lugar ngunit ang ginawa ng mga magnanakaw ay iniba ang posisyon ng camera.

Maaaring matagal nang nagmamanman o hindi kaya naman ay may kasabwat na nagta-trabaho sa nasabing tindahan ang magnanakaw.

Nagtataka rin ang security guard tila alam na alam ng mga magnanakaw kung saan nakalagay ang CCTV.

Plano ngayon ng may-ari na kumuha ng security guard para sa kanilang tindahan.




Facebook Comments