HIGIT ISANGDAANG PAMILYA SAWESTERN PANGASINAN, NAHATIRAN NG FAMILY FOOD PACKS MULA DSWD FIELD OFFICE 1BUNSOD NG NAGDAANG BAGYO

Matagumpay nang napamahagian ang higit isangdaang pamilya sa Western Pangasinan ang nahatiran ng tulong matapos maging biktima ng nagdaang bagyong Dodong nitong Sabado.
Nagmula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa pamamagitan ng Pangasinan Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang kabuuang 325 na mga family food packs at hygiene kits kung saan nasa kabuuang 103 namang pamilyang mula sa mga bayan ng Bani at Alaminos ang nabigyan na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Ilan sa mga ito ay dahil sa naranasang tuloy-tuloy na pag-uulan binaha ang kanilang lugar at ang iba naman ay inilikas dahil landslide prone area ang kanilang mga tahanan.
Laking pasasalamat naman ng mga pamilyang nabigyan ng tulong pansamantala habang hindi pa bumubuti ang panahon.
Samantala, nitong mga nagdaang araw ay nagsagawa ng inventory ang DSWD Field Office 1 para tignan kung sapat pa ba ang bilang ng mga family food packs at hygiene kits na naimbak sakaling may mangailangan ng tulong o kung may augmentation mula sa mga bayang kailangan ng tulong.
Facebook Comments