Mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City.
Ayon sa BOC, mahigit walong libong kaha o katumbas ng 1,014 na ream ng yosi ang kakilang sinira na nagkakahalaga ng P595 million.
Nakumpiska ang mga kontrabando sa mga maritime patrol operations sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi mula Nobyembre ng nakaraang taon hanggang nitong Abril.
Sinira ang mga ito sa shredder, binasa ng tubig at ginamitan ng payloader equipment.
Matapos sirain ay dinispatsa ito sa sanitary landfill sa Barangay Salaan sa nasabing lungsod.
Sinabi naman ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na sisiguruhin nilang mga lehitimong produkto lamang ang makakapasok sa merkado para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino.