Higit kalahating milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang nasa 502,000 doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.

Pasado alas-8 kaninang umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang China Airlines Flight 701 lulan ang higit kalahating milyong doses ng bakuna.

Kaugnay niyan, inaasahang darating din mamaya sa bansa ang nasa 2 million doses ng Sinovac vaccines sakay ng Philippine Airlines.


Samantala, tiniyak ng operator ng cold storage facilities na kinalalagyan ng COVID-19 vaccines na nasa maayos na kalagayan ang mga bakuna sa kabila ng nangyaring pagkawala ng kuryente dahil sa bagyong ‘Jolina’.

Sinabi rin ng Meralco na mayroon silang contingency measures sa mga ganitong pagkakataon para matiyak na walang masasayang na COVID-19 vaccines.

Facebook Comments