Higit kumulang isang daan (100) ang naitalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus/ Acquired Immunodeficiency Syndrome ditto sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon.
Ayon kay Kenneth Dacion ng Pangasinan Health Office o PHO, ang lalawigan ng Pangasinan ang may pinakamataas na kaso nito sa buong rehiyon uno dahil na rin sa ito ang may pinakamalaking populasyon.
Isinusulong din ng ahensya ang pagkakaroon ng mga local aids councils upang mapababa ang kaso nito sa lalawigan.
Hinikayat din nito ang publiko na magpa HIV test sapagkat ito ay libre at mananatling confidential.
Naglaan din umano ang Philippine Health Insurance Corporation ng financial assitance na aabot sa 30, 000 o 7, 500 per quarter kada tao na maaring makuha sa mga accredited HIV treatement facility.
Sa mga nais na matulungan sila sa nasabing sakit maari ring mag-iwan ng mensahe sa kanilang fanpage na “Usapang SEKSI” o Sexual Education para sa Kabataan sa Pangasinan itinataguyod.
Higit kumulang 100 kaso ng HIV/ AIDS sa Pangasinan naitala ngayong taon
Facebook Comments