Umabot na sa kabuuang 18,142 na mga Barangay Volunteer Workers sa Pangasinan ang nakatanggap ng Amelioration mula sa Provincial Government.
Sa bilang na ito, ay umabot naman sa 12, 322 BHWs, 2,608 na BSPOs, 1,708 BNs at 1,504 na Day Care workers ang nabigyan ng amelioration.
Sa bawat barangay volunteers ay nabigyan ng dalawang libong piso mula sa pamahalaang panlalawigan mula sa mga isinagawang joint amelioration distribution sa iba’t ibang panig ng Pangasinan na nagsimula noong December 6.
Samantala, inilaan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ang aabot sa 61-milyong pisong pondo upang mabigyan ng insentibo ang mga barangay volunteers kasama na rin ang mga Civilian Volunteer Organizations (CVOs) o mga barangay tanod sa buong probinsya na nabigyan naman ng tig isang libong piso.
Ang pamamahagi nito umano ay bilang pagkilala sa pagod, sakripisyo at kontribusyon ng mga barangay volunteer workers na naging kabalikat sa panahon ng pandemya sa buong probinsya.
Kaugnay pa nito ay naghandog din ang pamahalaang panlalawigan ng libreng COVID-19 at flu vaccine para sa mga barangay volunteers na kanilang binibisita. | ifmnews