HIGIT KUMULANG 300 KASO NG COVID-19 NAITALA SA LOOB NG ISANG LINGGO SA ILOCOS REGION

Nasa 292 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa loob ng isang linggo sa Ilocos region, ayon sa datos na inilabas ng Ilocos Center for Health Development 1.
Nasa 41 ang daily average cases ng rehiyon kung saan nasa 15.9% na mas mataas kumpara sa nakalipas na linggo.
Wala namang naitalang severe o critical mula sa mga bagong kaso ngunit tatlo ang naitalang nasawi.

Nakasaad na nasa safe level pa ang healthcare utilization rate ng rehiyon na 36 mula sa 227 na ICU beds ang okupado at 219 mula sa 1, 338 na non-icu beds ang naman ang okupado. |ifmnews
Facebook Comments