SAN CARLOS CITY , PANGASINAN – Panibagong batch ng COVID19 vaccine ang dumating sa lungsod ng San Carlos na kung saan aabot sa 1950 na doses ng Sinovac vaccines mula sa national government na inaasahang ibabakuna sa mga indibidwal na kabilang sa A1 Frontline Health Workers, A2 (Senior Citizens), A3 (Person with Comorbidities) at A4 (Frontline Workers in Essential sectors).
Patuloy namang umaarangkada sa lungsod ang pagbabakuna sa mga nakatalagang vaccination sites sa lungsod.
Sa mga nakalipas na buwan ay nakapagtala na ang pamahalaang lokal na 25, 911 doses ng bakuna at inaasahang dadami pa ang bilang ng mga nabakunahan sa patuloy na pagdating ng mga vaccines mula sa national government.
Patuloy din namang hinihimok ang mga residente na kabilang sa priority groups na magpatala na ng sa gayon ay maisama sa masterlist na ginagawa ng City Health Office para sa suplay ng bakuna.