Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang mapanganib na punahin ang Duterte Administration.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 51% ng mga Pinoy ang naniniwala na mapanganib ang maglathala o magbalita ng anumang kritikal sa administrasyon, kahit pa ito ay katotohanan.
Nasa 30% ang hindi sumang-ayon dito habang 18% naman ang undecided.
Ang survey ay nagresulta ng +21 net agreement score na na-classified ng SWS bilang moderate.
Ang nasabing survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile phone survey noong July 3 hanggang July 6, 2020 sa may 1,555 adult Filipino na may edad 18 pataas.
Facebook Comments