Mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, pumalo na sa 53 ang bagong kaso ng HIV sa lalawigan, mas mataas kumpara sa 42 sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabuuang bilang, 13 ay nasa Lungsod ng Urdaneta, walo sa Lungsod ng San Carlos, apat sa Lingayen, walo sa Mangaldan, lima sa Malasiqui, tatlo sa Lungsod ng Alaminos, dalawa bawat isa sa Bayambang at Binmaley, lima sa Calasiao, at tatlo sa Villasis.
Iminungkahi naman ng kinauukulan ang pagtatayo ng HIV center upang tugunan ang tumataas na bilang ng kaso sa lalawigan. Layunin ng sentrong ito na magsagawa ng confirmatory tests, counseling, at contact tracing para sa mga pinaghihinalaang kaso.
Ayon sa Provincial Health Office, 10 sa 14 na ospital ng pamahalaan sa lalawigan ang may kakayahang magsagawa ng initial testing, ngunit ang tanging pasilidad na accredited para sa confirmatory tests at pagbibigay ng antiretroviral therapy ay nasa Region 1 Medical Center lamang sa Dagupan City.
Pinakakaraniwang paraan umano ng transmisyon ng virus ay sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa parehong kasarian, heterosexual na pakikipagtalik, mother-to-child transmission, at ilang hindi matukoy na sanhi.
Pinalalakas na rin ng probinsya ang kampanya sa mga paaralan at pagsasanay ng mga health workers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







