HIGIT LIMAMPUNG LIBONG REHISTRADONG BOTANTE SA UNANG 4 NA ARAW NG REGISTRATION, NAITALA SA REGION 1

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nakapag rehistro na sa Region 1 matapos makapagtala ng 52,372 rehistradong botante sa unang apat na araw ng 2025 registration period, batay sa pinakabagong datos mula sa Commission on Elections (COMELEC).

Noong unang araw ng registration, nakapagtala ang rehiyon ng Higit labing isang libong rehistrado. Tumaas ito sa higit labintatlong libo sa ikalawang araw, habang umabot sa halos labing apat na libo ang bilang sa ikatlong araw at bahagyang bumaba sa higit labintatlong libo ang rehistradong botante sa ikaapat na araw.

Dahil sa tuloy-tuloy na bilang ng mga nagpaparehistro, kabilang ang Region I sa mga rehiyong may mataas na turnout sa buong bansa.

Ipinapaliwanag ng COMELEC na nakatulong sa magandang turnout ang malawakang information drive, madaling access sa mga registration center, at aktibong suporta ng mga lokal na pamahalaan.

Binubuo ang Region I ng mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan. Inaasahan na mas dadami pa ang bilang ng mga magpaparehistro sa mga susunod na linggo hanggang ika-sampu ng Agosto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments