Umaabot sa dalawampung madadayang timbangan kada araw ang kinukumpiska ng anti-littering task force ng dagupan city sa pampublikong pamilihan ng lungsod.
Sa tala ng awtoridad, mahigit 500 timbangang mandaraya na ang nakumpiska mula nang paigtingin ang inspeksyon sa mga pamilihan. Kinukuha ang mga ito on the spot sakaling mahuling ginagamit sa bentahan.
Ayon sa isang kawani mula sa tanggapan, pinaigting ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo kaugnay ng umano’y pandaraya sa timbang ng mga produkto.
Isang konsyumer ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa ifm dagupan, kung saan hindi raw tumugma ang ibinayad niyang halaga sa nabiling kilo ng produktong bangus mula sa isang vendor.
Payo naman ng ilang fish vendors sa mga mamimili, huwag mahihiyang ipado-double check ang timbang ng biniling produkto sa katabing manlalako, dahil pinapayagan ito upang matiyak na walang dayaang nagaganap.
Samantala, nananatiling functional ang timbangan ng bayan, kahit pa madalas ay hindi na ito ginagamit ng ibang mamimili. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









